Mary Eileen Sarmenta (1993), Marijoy Chong (1997), Anria Espiritu (2014) – ano ang pagkaka-pareho? Sila ay mga biktima ng rape-slay, mga kababaihang walang awang ginahasa at pinatay.

Hindi ito ginagawa ng taong may “maayos” na pag-iisip, natagpuan ang mga biktimang walang buhay, ang iba sa kanila may tama ng bala o di kaya tadtad ng saksak.
 
Kung iisipin, “sobra-sobra” ang ginawa ng mga salarin sa mga biktima. Hindi sapat ang ginawang panggagahasa at kinailangan pa silang patayin.
 
Hindi ito makatao, masyadong brutal, at nararapat lang na bigyang hustisya ang nangyari sa kanila.
Hustisya
Kamakailan, mayroong isang facebook page (na merong 63,936 likes sa ngayon) para sa bagong biktima ng rape-slay na si Anria Espiritu. Nagta-trabaho ang dalaga bilang Human Resource Officer sa isang kumpanya; bukod dun, isa din siyang freelance model.Mô tả ảnh.panoorin ang video